Fallen 44: SAF

Masakit ang nangyari sa 44 SAF, parang dinudurog ang puso ko at hindi mapigilang lumuha habang nakikita ko ang kanilang mga labi na isa-isang ipinapakita sa telebisyon. Andoon ang panghihinayang at awa sa kanilang mga pamilya dahil sa nangyari sa kanila. Kahit hindi ko sila kakilala ay nalulungkot ako sa sinapit nila, hindi makatarungan kung baga. Nakikiramay ako sa lahat ng pamilya ng 44 SAF, isa kayong magigiting na bayani.

Kaya naman sa kinauukulan, huwag tayong magbulag bulagan at maging bingi sa katotohanan, maraming buhay ang nawala at kailanman hindi na ito maibabalik ng anumang recognition na inyong ibibigay. Kung tunay kayong pinuno, magkaroon kayo ng sariling desisyon at huwag magpadikta sa mga nakapaligid sa inyo, kayo ang pinuno kayo ang masusunod. Bigyan natin ng katarungan ang kanilang pagkamatay, tandaan ninyo na ang kalaban kailanman ay hindi magiging kaibigan. Titirahin ka niyan ng talikuran kaya gumising na tayo. Ibigay ang nararapat na husga sa lahat ng may sala.  

Comments

Popular Posts