For the First Time: Ganito Pala ang Pakiramdam
Ngayong araw lang hindi ko inakala na mangyayari ang di ko inaasahan. After ng service sa church at ng vg group namin (tawag sa group namin sa church). Dali-dali akong umalis kasi may pasok pa ako pero bago lumabas ng mall bumili muna ako ng burger kasi nakakaramdam na din ako ng gutom. Masaya akong naglalakad habang kumakain, umakyat ng overpass bumaba ng hagdan hanggang sa marating ang sakayan ng jeep. Habang pumipili ako ng aking sasakyan napansin ko na parang may mga mata na nakatingin sa akin ng mga oras na iyon. Nakikiramdam lang ako pero kinukutuban na talaga ako dahil sa parang hindi tama ang mga ikinikilos ng mga tao sa lugar na iyon. Ganoon pa man pinakiramdaman ko lang habang may nakita na akong jeep na aking sasakyan. Nang bigla ko na lang naisipan na hawakan ang aking bag at naramdaman na bukas ito. Hindi ako nagpahalata na kinakabahan ako sa aking natuklasan, wala naman kasing mawawala maliban sa cellphone ko sa maliit na bulsa ng bag ko.
Akala ko talaga nawala at nadala ng mandurukot kasi lahat ng contacts ko eh nandoon. tumingin ako sa likuran at nakita ang batang lalaki na naglalakad papalayo at ang babaeng nakatingin sa akin. Umiling lang ako habang nakatingin sa kanila at hindi makapaniwala na sa unang pagkakataon ay mangyayari sa akin ang ganito, ang muntik ng madukutan. Nakahinga ako ng makita ko na wala siyang nakuha kaya nasabi ko " Thank God". Kung hindi dahil kay Lord at sa gabay niya siguro ay hindi ko alam ang aking gagawin nang mga oras na iyon.

Nangyari man sa akin iyon naisip ko na lang na baka may pangangailangan ang mga batang iyon nang mga sandaling iyon at pandurukot na lang ang naisip na paraan.
Ang maipapayo ko lang sa lahat ng daraan at mga naghihintay ng sasakyan sa may Marcos Highway sa FiestaVilla ay ma-ingat kayo sa mga taong nakatambay sa lugar na yan. Maging mapag matyag at huwag maging palagay ang loob. Makiramdam sa lahat ng tao at nangyayari sa paligid at huwag na huwag ilagay ang bag sa likod kundi ilagay ito sa iyong harapan upang makita mo ito. Ang importante sa lahat ay bago umalis ng bahay ay magdasal at humingi ng guidance sa Panginoon dahil Siya ang nakakaalam sa lahat nang mangyayari sa atin sa araw-araw. Thank you Lord!
Comments
Post a Comment