Kapamilya (ALKFI @ 25)

Umaga pa lang busy na ang lahat sa paghahanda at pag-aayos ng lahat ng mga gagamitin sa event. Isang nakakahilong umaga sa dami ng kailangang tapusin dahil ilang oras na lang ay magsisimula na ang pinakahihintay ng nakakarami ang pagdating ng mga bisita (hehehe). Sa totoo lang maraming inihanda para sa mga bisita may mga presentation na talaga naman kapag nakita mo eh masasabi mo sa sarili mong gusto ko ng ganitong advocacy. 



ALKFI employees na abala sa registration nang mga guests


Masarap sa pakiramdam na naging maayos ang lahat ng iyong pinaghirapan, halos isang buwan kasi namin itong pinaghandaan para talagang maging maayos at suabe ang event na ito. At nagsimula na ang programa nagpresent na ang Chairman ng ALKFI na si Ms. Gina Lopez. Lahat ay nakikinig dahil sa magandang advocacy na ginagawa ng foundation.
Ms. Gina Lopez with the advocates, students, donors and volunteers


Lahat ay masaya dahil nalaman ng mga bisita kung ano ba talaga ang nangyayari sa mga idinodonate nila sa mga programa ng ABS CBN Lingkod Kapamilya Foundation Inc. (ALKFI). Ito ang anim na programa Bantay Bata 163, Bantay Kalikasan, Bayanijuan, Kapit Bisig Para sa Ilog Pasig, Bayanijuan at Programa Genio. Kaya naman mas lalong nakilala at nalaman ng mga panauhin ang tunay na ginagawa ng foundation. 




Mga bisitang dumalo sa 25th Anniversary ng ALKFI



Salamat sa lahat ng dumalo at nakiisa sa celebration ng ABS CBN Lingkod Kapamilya Foundation Inc. Dahil sa inyo marami ang natutulungan ng inyong mabubuting kalooban. At siyempre hindi magiging matagumpay ang event na ito kung hindi dahil sa mga empleyadong matiyaga at ibinuhos ang talento upang maging posible ang lahat pati na din sa lahat ng mga bossess. Kaya naman Happy 25th Anniversary!



Bago ko makalimutan siyempre isinama ko na din ang picture na ito with Ms. Jing Castaneda. Salamat sa paghohost ng event. Siya din ang host ng Kapamilya Konek na napapakinggan tuwing Linggo sa DZMM 630 kasama ang favorite teacher na si Teacher Tina at  Tita Susan ang balikbayan ng bayan para sa bagong segment na Kapamilya Abroad.



Isang bagsak para sa ALKFI..clap clap clap (favorite na sabihin ni Ms. Gina Lopez ) God bless us all! (Photo courtesy by Thea Cahayag)


Comments

Popular Posts