Iba ang Saya!

Maraming bagay dito sa mundo na nakapagbibigay kasiyahan sa atin. Minsan pa nga hindi tayo makuntento sa kung ano ang meron tayo, palagi tayong naghahanap walang katapusang paghahanap. Minsan maiisip mo at itatanong mo sa sarili mo "tama pa ba itong ginagawa ko o sumusobra na ako sa kakaisip sa tanong na "Ano?".

Kung titingin ka sa paligid mo, maiisip mo na napaka swerte mo kasi mayroon ka na wala ang iba, Kapag nakita mo ang mga taong walang tahanan at natutulog sa kalsada, masasabi mo "buti na lang". Kapag nakita mo ang kakulangan ng iba masasabi mo sa sarili mo "ang blessed ko pala kasi ako kumpleto ang buong parte ng katawan ko". Doon pa lang makikita mo ang tunay na kasiyahan na kailan man hindi maibibigay sa iyo nang mudo. 

Maging mapanuri tayo kung tama pa ba ang mga ginagawa natin o hindi na. Isipin natin na pansamantala lang ang ating buhay dito sa mundo. Ibigay natin ang ating oras kung kinakailangan sa mga taong nangangailangan. Masarap tumulong lalo na kung makikita mo ang mga ngiti na walang katumbas nang anumang halaga. 

Kung masaya ka sa pagbibigay mo nang saya, gawin mo ito nang todo. Sabi nga ni Mr. Arnold Anog isang Success and Wealth Coach , " Live Your Life Full Out". At huwag kalimutan na magpasalamat sa gumawa at nagbigay sa iyo nang lahat ng talento, walang iba kundi sa ating Panginoon. Gawin natin ang bagay na nararapat at dapat. 

Comments

Popular Posts