Amazing Night with The Perkins Family

Wala pang tulog dahil sa magdamag na pag eedit para maipasa kinabukasan ang aming assignment. Noong umaga na, nag-iisip ako kung paano pa makakabili ng damit na susuutin sa birthday ni Sir Vic dahil, maghapon ang klase namin kung kaya't tanong ng tanong kung ok na ba ang outfit ko na isuot sa party. Kasi kahit anong gawin hindi na talaga makakabili dahil sa maghapon na klase. Alas-singko medya (5:30 pm) dapat andoon na sa venue kasi isusurprise namin ang birthday celebrant. At dahil sa late na natapos ang class hindi ako nakaalis ng ganoong oras kundi 6 P.M. na. Nagmamadali ng umalis dahil hindi ko pa alam kung saan banda sa Ortigas ang venue. Pagkatapos maglakad ng mahigit 20 minutes narating ang location at sakto naman na sa hallway ng building at hanggang sa elevator ay nagkasabay pa kami ng celebrants kaya ayon palusot na lang kung saan ako pupunta. Tanong ni Sir Vic sa aking, pasaan ka? Ako: Tumawa lang at sabay sabi ng diyan lang po. hehehe mukhang nahalata niya kasi binati ko siya ng happy birthday.

Noong nasa taas na ako, parang nahihiya na akong pumasok, dahil saktong nandoon na ako ay nagsigawan na ang lahat ng SURPRISE. Bigla akong nagdalawang isip kung itutuloy ko pa talaga ang pumasok nang bigla kong marinig ang isang boses ng babae, ang sabi niya sa aking " Ate pasok ka na", nahihiya man ay dali-dali akong naghanap ng mauupuan malapit sa pinto.Tanong ko pa nga sa nakaupo na doon kung saan ako uupo " pwedeng umupo?" sabay ngiti nya sa akin, kahit nahihiya ay naupo na din ako. Nang may biglang may nagsalita na mauuna ng kumuha ng pagkain ang mga girls (halos hindi ako makakilos dahil nakita ko na bigatin ang mga bisita mula sa CBN Asia). Tumayo ako sa sumunod sa nakararami, nasa unahan ng aming pila si Miriam Quiambao babatiin ko sana kaso nahihiya ako.

Sa pila, may isang matangkad na babae, mahilig siyang bumati sa lahat ng ng tao na nandoon kaya pati ako ay kinausp na niya. Tinanong niya ako kung ano ang pangalan ko pati kung taga saan ako(sabi ko sa kanya from Kapamilya Konek). Tapos sabay sabi sa akin ng, ang sarap nang foods ano? Tango lang ang ginanti ko sa kadahilanang nahihiya ako.Tinanong niya kung may kasama ako, kaso wala talaga kaya niyaya na lang niya ako kung saan siya nakaupo.Sabi niya sa kanila na lang daw ako sumama sa table nila. Pagkaupo medyo nagulat ako at naexcite kasi kilala ko ang dalawang lalaki na nasa harap ko na walang iba kundi anak nila. Sina Jesse and Christian na mas kilala sa tawag na The Perkins Twins o diba instant celebrity pa. Una ko silang nakita sa isang seminar, sila ang performers kaya sabi ko nakita ko na sila.

Walang tigil ang kwentuhan na may kasamang tawanan, ang cool at sobrang bait nila. Ibang klase ang saya may bago na naman akong kakilala. So nice, ang sarap ng feeling na sa di inaasahang pagkakataon na may makikilala akong bagong kaibigan, take note hindi lang isa kundi apat pa. See you again Perkins Family and I hope makapasyal ako sa coffee shop niyo sa The Cup Of Faith. I'm really blessed na nakilala ko kayo. Thank you Ate Tess Perkins you are such a humble daughter of God. See you!!



Photo Courtesy: Tess Pazziuagan Perkins
Perkins Family: from left Christian, Ate Tess, Mr. Tarny and Jesse















Comments

Popular Posts