Naalala Ko Lang!
Grabe akala ko sa paaralan lang ako makakaranas ng lagi kang puyat dahil sa dami ng gagawin mong assignment at projects. Iyon pala na naranasan ko eh warm up lang, kapag nasa reality ka na ng buhaybilang isang young professional. Halos wala ka ng tulog minsan kasi sa dami ng iniisip mong gagawin kinabukasan, kasi naman hindi pa nakakauwi ng bahay eh ang iniisip agad ay ang trabaho kinabukasan. Pero ganon talaga kailangan ng ayusin para ng sa ganon alam mo ang pagkakasunod sunod. Naalala ko tuloy noong kabataan ko iyong parang wala kang problema, maglalaro ka lang tapos matutulog iyong paulet ulet lang , iyong simple walang anumang iniisip. Ang sarap balikan ng ganong buhay pero hindi pwede kasi nandito na ako sa buhay na ako na lang ang magdedesisyon sa lahat ng gagawin ko.
Parang ang sarap lang alalahanin na dati pangarap ko lang ang makapagtrabaho sa kumpanyang gusto kong pasukan ngayon abot kamay ko na ang lahat. Grabe, ganon pala iyon kapag nakuha mo iyong pangarap na gusto mo, napakasarap isipin at balikan kung saan nagsimula ang lahat. Kaya naman maganda talaga na may pangarap ang bawat tao dahil doon nagsisimula ang pag-asenso. Kaya, huwag bumitaw kung ano ang gusto mo basta ipagdasal mo at gawin mo ang lahat ng kaya mo para maabot mo ang gusto mong maging balang araw.

Comments
Post a Comment