Sa Kabila Nang Lahat

Kung babalikan ang nakaraan, parang ayaw ko na
Kasi baka umiyak na naman ang aking mga mata
Halos hindi maipinta aking pag-aalala
Dahil sa sobrang kaba at takot na bumalot, grabe talaga


Marami ang nagsasabi, kaya mo iyan ikaw pa
Subalit bakit sarili ko hindi kayang panindigan sinasabi nila
Oo nga at kaya ko, pero parang sumusuko na
Ewan ko ba, siguro pagod na


Sa mga sandaling iyon, ako'y biglang napalingon
Tama pa ba ang iniisip at ginagawa ng mga panahong iyon
O parang nakakalimutan  na ang lumikha at may alam
Mabuti na lang at may Diyos na laging nakaagapay
Dahil kung wala, baka ako'y bumigay na ng hindi ko alam

Masasabi ko lang, isip ay huwag paniwalaan
Dahil kung minsan, baka tayo ay pinaglalaruan lamang
Matutong makinig at mapanuri saan man
Dahil baka may nakakalimutan kang pasalamatan
Sa kabila nang lahat ng iyong nakamtan.



I hope na nainspired kayo sa aking munting tula. Nalikha ko ito dahil sa isang hindi inaasahang sitwasyon na nagbigay sa akin ng inspirasyon. So blessed I have my Only King in my Heart,Thank you Lord.

Comments

Popular Posts